Monday, February 23, 2015

Pagpili ng salita sa pagiging dahilan ng social stratification “If we were wolves, we’d fight to establish the social order of the pack. But since we are humans with outsized brains and language, we use words instead.” Anya ni William B. Irvine. Kadalasan sa tao, ginagamit nito ang salita upang iangat at patunayan na siya ay mas mataas sa taga pakinig. Ginagamit ito kadalasan ng mga matatalinong bobo, o mas kilala sa tinatawag na “Educated fools” upang kanila ay maimapamalas ang katalinuhan nila upang pakainin ang kanilang pagkamakaako. “It is the social hierarchy game that makes insults sting.…..” (Irvine) Kadalasan sa ating salita, hindi natin nababatid na tayo na pala ay nagpapartisipa na sa tinatawag na social hierarcy game. Na kung saan na tayo ay nagsosocialize upang maaaring iangat at ibaba an gating sarili. Ipag palagay natin ang tinatawag natin na informal settlers at ang mga “rich kids” ika nga ang nag uusap. Marahil dahil sa kanilang magkataliwas na antas na pamumuhay, maaring ang mga sinasabi ng mga informal settlers ay normal lamang sa lugar nila, ngunit ito naman ay insulto sa mayayaman. Nagkakaroon na nga dito ng tapakan dahil sa salita. Dito na naipapakita ang tinatawag na social hierarchy game. Pagpili ng salita: Nagbibigay buhay? O Nakapapatay? “Think twice before you speak, because your words and influence will plant seed of either success or failure or failure in the mind of the other.” Anya ni Louis Nizer. Sa ating pag pili ng salita, dapat nating malaman na ang salita ay parang apoy, kayang magbigay buhay, o maaaring makapagpabaga ng gubat. Iisipin nating lagi na ito’y maaaring magbigay ng magandang kinabukasan, o maaaring magkapagtapos nito. “Words if comfort, skillfully administered, are the oldest therapy known to men.” Anya ni Louise Nizer. Ang magandang salita ay maaaring makapag bigay pag-asa sa taong mga pinanghinaan na ng loob. Ito ay pwedeng maging therapy sa taong gusto na magbigti. Pero, mag ingat padin, sapagkat ang taong nasa “cloud of darkness” ay madaling mapaniwala sa payo.